My Music, My Life

 

Monday, July 25, 2005

SA WAKAS...

Nangyari na ang matagal ko nang inasam... Sa wakas nakasama ko siya ng kahit 2 oras lamang. Sino ang nakasama ko? si Mr. Anatomy... Paano? sige, kwento ko...

Teka nga pala, si Mr. Anatomy ay Intern na. Physical Therapy ang course niya sa eskwelahang pinagaaralan ko din. Hindi ko na siya madalas na nakikita ngayon dahil sa kanyang "duty" sa iba-ibang lugar at ospital. Ngunit kapag Sabado ay andoon sila sa aming eskwelahan upang mag-"lecture" at mag-"exam." Kaya tuwing Sabado lamang kami nagkikita.

Noong ika-23 ng Hulyo, ala-UNA ng hapon, ako'y nagrereview sa labas ng ng aming silid-aralan, nakita kita (sa totoo lang, pinagdadasal ko na makita kita). Bumalot ang saya sa buong paligid ko, at sinabi ko sa sarili ko na, "inspired akong mag-exam!" Ang sarap ng feeling, sa sobrang tagal ko na siyang hindi nakita... Lumipas ang 2 oras, nakatanggap ako ng mensahe mula sa kanya, "maine, baka maaga kaming matapos, goodluck sa exam! wait for me ha!" at syempre, natuwa ako dahil tapos na noong mga oras na yun ang aming pagsusulit. Hinintay ko siya... At ayun, nagkita na kami. Naglakad na kami papunta sa SM, habang nagtatalo kung anong gagawin namin doon, noong nandoon na kami, di parin namin alam kung saan kami pupunta, nauwi kami sa MCDO at nag ice cream! Hehehe! Tapos nagkwentuhan kami sa Foodcourt (kasama na doon ang mga pangaasar na ginawa niya sakin, ultimo balikat ko napansin niya!) ayun...

Kailangan kong umuwi ng 6 pm dahil aalis kami ng aking pamilya, kaya hinatid na niya ko pauwi. Nakilala narin siya ng aking mga magulang... Saya!

Sabi sa akin ng nanay ko, "hmm, dream come true noh? kitang kita ang saya sa mga mata mo! abot langit ang ngiti!"

Kaya ayun... Masaya lang... Kahit sa sandaling oras, nakasama ko siya... Sapat na sakin yun...

***Single na pala siya, matagal na...


< Maine sang at @ 1:28 PM

|

  

 

 

 

 

 

 

 

 

 




 

One moment please...


Vain3charmaine. 18. nursing student. UERMMMC. singer. dancer. faithful believer of God. cheerful. very friendly. speaks her mind. unstoppable.lives in Manila. chocolate-lover. values friendship. lovable. kind-hearted. child-like.

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons License.  


Aika-Alex--Belle-Buzz-Cecille-Camille-Charissa-Francis-Gerald-Ginx-Kevin-Krishna-Martin-Me-an-Meckie-Mervin-Margaux-Moe-Pao-Rap-Roel-Sam-Shelle-Shobe-Vea-Vonne-Cali-Vicka-Ria-Abby-Kessa-Peejay-Ian-Amery

Vayie-Angel-Abi-Adrian-Aecee-Alexa-Anne-Ayeen-Bianca-Che-Cher -Christel-Cier-Claire-Cris-Ian-Iya-Jennie-Joanne-Joei-Joel-JRay- Kevs-Cez-Hera-Kilcher-Gail-Liz-Maine-Mary-Mej--Nica-Paula-Patty-Reese-Ri-Russ-Shari-Therese-Tiepee-Cheenee-Laurene

 


PREVIOUS POSTS

God is the arm that holds you at your weakest, the eye that sees you

 

Keep in touch with me:

YM ID: fiona_pinkits1022

Email addresses: fiona_pinkits1022@yahoo.com; mainesweetie@gmail.com

 

 

Check out my photos!

www.flickr.com
CAPPING CEREMONY/UERM FRIENDS maine's CAPPING CEREMONY/UERM FRIENDS photoset